Saturday, December 6, 2008
.|.Friday is Gala-day!.|.
Okay, nasa title na yung content. Tumakas ako ng bahay nung Friday. Saan ako pumunta? Kanila Jervin kasama si Trishia and Newton Boys. Grabe, from 8am up to 8pm wala ako sa bahay.
Nagsimula yun sa Masci. Dumatin ako ng mga past 8am sa school and hinintay ko ng saglit si Trishia. On the way sa lrt, nagkwentuhan kami and late na namin narealize na mali yung pinuntahan naming side ng lrt station. As usual, tawa kami ng tawa habang pababa. Nang nakasakay na, nagtext lang kami ni Trishia sa kung sinu-sino. Nakaupo na lang kami sa EDSA station (2 stations na lang Baclaran na). Pagkababa namin ni Trishia, nakakita kami agad ng jeep papuntang Sucat pero hindi namin sinakyan kasi naghanap pa kami ng pwedeng bilhan ng Pancit Canton. Swerte kami at nakakita kami ng tindahan na hindi damit at sapatos ang benta kundi pancit canton. Saka kami sumakay ni Trishia. Buti na lang at tinago ko yung pancit canton sa bag ko kasi may nalimos sa loob ng jeep at humihingi ng pagkain. Andami pa naman nung binili namin ni Trish. Pagkababa namin sa Sucat, sumakay kami ng tricycle and ang WEAK ng driver kasi hindi niya alam kung saan yung Sto. Niño Kanto. Buti na lang at nakapunta pa rin kami sa bahay nila Jervin kaso pagkababa namin, deretso lakad kami papuntang Basketball Court (mahaba-habang lakaran...slight! XP). Doon ko formally nakilala ang girlfriend ni Joshua na si Nariah. Nakakatuwa siyang kausap kahit walang sense and pinag-uusapan namin. Di nagtagal dumating si Mark at Peter (hindi pa pala kami ang pinakalate dumating). Hindi nagtagal at napagod sila at nagpabili ng ice water. Nakadalawang laro sila at 1-1 na ang panalo nila. Bumalik kami sa bahay nila Jervin gamit ang libreng Jeep. Kumain ng adobo sa bahay nila at nanuod ng JS Prom CD. Langyang CD yan! NEVER ko na panonoorin yun! Ang pangit ko dun. Hindi nagtagal at umalis na kami ni Trishia sa bahay nila Jervin papuntang SM Sucat.
Sa SM Sucat, naghanap kami ni Trishia ng bag ko. Since bago pa lang ata yung mall, onti lang yung mga bag at napilitan tuloy kaming pumunta ng SM Bicutan. Grabe, ang layo na ng narating namin ni Trishia. Natagalan kami ni Trishia sa mall na yun kasi hindi namin alam kung may sariling stall ang heartstrings at wala kaming nakita kundi sa Department Store lang meron. Nakabili naman kami at nagpapasalamat ako kay Trishia sa pagpili ng bag kasi ang ganda niya.
On the way home, tinawagan ako ng tatay ko sa cellphone ko (patay!) at nadiscover niya na umalis ako ng bahay. Sabi niya mag-uusap kami. Sobrang kabado na ako nung mga oras na yun na kinakausap ko si Trishia kung anung sasabihin ko sa tatay ko. Bago pa ako makarating ng Pedro Gil ay nakabuo na kami ng plano. Thanks ulit Trishia! So trapik ang dinantnan ko sa daan at habang trpik ay nagdadasal na ako para sa aking buhay. Salamat at nakarating ako sa bahay bago pa mag-8pm. Imagine, tinakbo ko ulit ang hagdanan sa tenement hanggang 6th floor.
Salamat at pagdating ko sa bahay ay wala pa sila tatay. Sa sobrang kaba hindi na ako nakakain at maaga pa ako nakatulog upang matakasan ang Awarding para sa akin.
So far, hindi pa nila ako kinakausap at nananalangin pa rin na hindi na kausapain tungkol sa bagay na iyon.
11:49 PM YAOI shall prevail.
Yaoi Empress
-Alekxis-
Beautifully Tragic.
With a natural grace and beauty.
Let her world unfold
as the flowers of the morn,
As leaves turn,
And hearts are torn.
Pain trapped in a single tear
Beauty fades as the passing year
Use me
I'm beautiful
Take me
I'm yours